Dahil nag-umpisa ang Pira-pirasong diwa sa sulating ito, nararapat lang na siya muli ang maging unang pambungad sa muling pagbabalik.
Pero sa totoo lang, malamang ika-apat na beses ko ng pi-nost sa iba’t ibang Blog ito: blog sa Friendster, blog sa Blogger (halong ingles-tagalog), group blog sana ng barkada na di na-tuloy hanggang sa blog (sa Blogger pa din) na purong tagalog. Na-adik kasi ako kaka-blog dati kahit na wala masyadong nagbabasa.
Kung bakit bahagi ang lathalang ito sa halos lahat ng Blog na sinubukan kong gawin, baguhin, burahin atbp….hindi ko din alam. Basta ang mas mahalaga, i-popost ko na naman sya ulit. Sa mga hindi pa nakakabasa, makabag-dadamdamin ito!
PS. oo nga pala, matagal ko nang isinulat ito, mga ika-03 ng Oktubre 2003. Wala kasi kaming masyadong ginagawa sa opisina (o tinatamad magtrabaho?) kaya un, isinilang ang …
ANG BAZOOKA
— — —
“Lollipop, lollipop ang sarap sarap…gusto mo ng lollipop?”
“Ayoko, may lason.”
Di ko alam kung saan ko natutunan itong chant na to. Pero I’m sure sa isang pelikula way back 1980’s.
Naalala ko tuloy…kanina habang kumakain ako ng lumpiang sariwa sa Goldilocks, kasama ang aking butihing ama, bigla kong naisambulat:
“Tay, ba’t ba yung ibang tao mahina kumain? Depende ba yun kung paano sila pinalaki?”
“Oo naman. Kasi yung ibang magulang hindi ini-encourage na kumain ang mga anak nila.”
Napaisip ako…
“ahhh…like for example, pag ayaw nung bata kumain kinukunsinte ng magulang?”
“hmmm…oo, ” sagot ni itay. “tignan niyo kayo, inin-courage namin kumain…”
Napatingin na ako sa aking mga tabang bugol-bugol kung bumakat sa aking kasuotan. May point si Itay.
“Pero sa isang banda..hindi kayo sakitin. Ni minsan di kayo na-ospital.”
Good point there! Naalala ko tuloy na ni minsan nga ay hindi pa ako na-oospital dahil sa labis na karamdaman. Pero…
“pero…naaalala ko dati dinala niyo ko sa doktor kasi nabulok ilong ko.”
“ah oo. pero iba naman yun..impeksyon kasi yun.”
Tama nga naman.Ang hilig ko daw kasi umamoy ng bulaklak. Sabi ng kapatid ko kakasinghot ko daw ng bulaklak sumama yung uod. Yan tuloy, nabulok ang aking precious ilong. Speaking of ilong. May isa nga pala akong ala-alang hindi makakalimutan. (comment: kaya nga ala-ala eh)
Alam niyo ba yung Bazooka Bubblegum? Yung may libreng komiks sa loob ng wrapper? Favorite ko yun at kinokolekta ko yung komiks. Ewan ko ba kung anong pumasok sa kukote ko. Habang kumekendeng ako sa harap ng salamin at inaawit ang “lollipop, lollipop ang sarap sarap..” jingle pinapalobo ko yung bubblegum sa bibig ko. Gusto ko makagawa ng malaking malaking balloon…and there it goes…bssshhhff…bsssfff…hanggang sa plok! pumutok at natabunan ang aking ilong. Ang dikit pala ng bubblegum na yun! hindi ko maalis! tapos yung iba sa buhok ko din dumikit. Ayun, naiyak ako (im so helpless you know) and there goes my sister to the rescue.
“Ano ba naman kasi ginawa mo? Ba’t nasa ilong mo yang bubblegum?”
Me: “Waaaaaaahhhhhhhhhhhhhh”
After a few minutes, may bago akong hairstyle (di talaga matanggal ang bubblegum, my caring sister had no choice but to cut my hair) at ang aking ilong ay mala Rudolph sa pula.
“Next time magtanda ka na ha!?” pagalit na sabi ni ate sabay…”bubblegum bubblegum ang sarap sarap…gusto mo ng bubblegum?”
“Ayoko didikit sa ilong”.