Pira-pirasong Diwa











{Abril 23, 2008}   Sino ako?

Magandang araw! Maraming salamat sa iyong pagbisita. Itago mo na lang ako sa pangalang Eyna, 28 anyos at kasalukuyang pakalat-kalat sa mga kalye ng Alemanya (huwag mo na itanong kung ano ginagawa ko dito, di ko din alam).

Nung nasa Pinas pa ako, kapag nasa piling ng kabarkada o mga masasayang kakilala, hindi ko na kailangan maglasing o humithit ng kung ano ano para tumawa at magpakaloka. Pero minsanan lang iyon. Sa normal na buhay ako ay tahimik, mahilig magbasa, mag-drowing o magsulat, minsan mabait, mapagpasensya at madaming pangarap sa buhay. Pangarap kong maging sikat na pintor/a balang araw. Pero un nga … pangarap. Ni minsan di pa ako nakakapasok sa anumang school of fine arts. Ang mahal naman kase. Tsaka madaya sila. Kasi ang tinatanggap lang nila ung mga applicants na magaling na … gifted baga. Tas tinatago sa kategoryang “may potential” or “undiscovered talents”. Eh di ba kaya nga papasok sa paaralan ay para matuto?!? Pero ganun nga ata talaga, kasi ganun din kahit sa pag-awit o pagsayaw. Hindi puwedeng pangarap lang. Kung gusto mong maging sikat na mang-aawit, kailangan mong umawit. Kung gusto mong maging magaling na mananayaw, kailangan mong sumayaw. At kung gusto kong maging pintor, kailangan ngayon pa lang lagi ako nagpapraktis magdrowing at mag-paint (hmmm … ) Pero di bale, habang nangangarap eh magsusulat na lang ako muna.

Dati (2005-2006) ang “Pira-pirasong diwa” ay blog ko sa Blogger. Tatlo tatlo pa iyon, isa sa wikang ingles, sa tagalog at aleman. Wala lang. Tapos isang araw, nagising ako at binura ko sila lahat. Wala lang din. Tapos nadiskubre ko ang wordpress. Heto ako ngayon …

Balik ka ha? :)



bluep ay nagsabing:

I will definitely come back here. thanks for dropping by my blog eynz.



eyna ay nagsabing:

hi bluep!

salamat salamat!

apir tayo!



lilaybulilay ay nagsabing:

eyna panalo ang blog mo!!!!mabuhay ang pinoy!!!



Mag-iwan ng Tugon

at iba pa