Noong bata pa ako, pinaniwalaan ko:
1. Ang sabi ng kalaro ko na magigi kang basahan kapag naduraan ng isang bubuli. Yan daw yung mukhang malaking butiki. Ang payo pa niya, kapag nakakita ka ng bubuli kailangan mong dumura bago ka maduraan nang sa gayon hindi ka maging basahan.
2. Ang turo ng kaklase ko na matapos umihi, duraan at mag-krus ng ilang ulit ang iyong wiwi para mabendisyunan. Ako’y isang dakilang gaya-gaya hanggang umabot ang panahong naisip kong kabaliwan ang pamamaraang ito.
3. Ang buto ng prutas kapag nalunok mo, tutubo iyon at ang mga tangkay ay maglalabasan sa tenga, ilong at mata. Kaya marapat na huwag iinom ng tubig hanggang hindi pa nakaka-jebs para huwag “madiligan” ang buto.
4. Na mabubuntis ka kapag nahalikan dahil sa laway nabubuo ang beybis.
5. Na totoong may halimaw sa banga kaya hindi ko sinisilip.
6. Kailangang paikutin ang plato kapag may miyembro na umalis habang ang iba ay kumakain. Ang pag-ikot ng pinggan ay makatutulong para hindi malagay sa panganib ang mahal sa buhay.
7. Kapag may nahulog na kutsara, may darating na bisitang babae. Kapag tinidor ay lalaki, at kapag kutsilyo ay isang masamang tao. Ang kutsara o tinidor, kapag nakataob nang mahulog ay nagpapahiwatig na pangit ang darating na bisita, at pag nakatikwang naman ay maganda/ guwapo.
8. Puputi ka kapag uminom ng gatas. Nakakaitim ang kape.

ahah..ganon pala , kung nakataob ang kutsara o tinidor pag nahulog..magsarado na ako ng bahay, baka mag-sidating pa ang mga pangit at kung nakatikwang naman , open doors na. syempre. (LOL) salamat sa info
This is so funny.
I remember my childhood superstitions as well.
ang huling dumakot sa natirang pagkain daw e panget ang mapapangasawa; e nung asa thailand naman ako yung huli daw dumakot yun naman daw ang may poging mapapangasawa, nag gulo no, hehehe..
atsaka yung kinatatakutan ko, yung kapag end of may, kapag humarap ka daw sa salamin, tapos patayin mo yung ilaw at may kandila ka lang, makikita mo daw yung mapapangasawa mo, nyeeee
@ nanay belen: naku nanay belen, di ko alam kung totoo un. hehe. pero nakakatuwa na din kasi dati kami nag-uunahan kaming magkakapatid na tignan ung kutsara o tinidor na nahulog tas huhulaan namin kung sino ang pangit o magandang darating tas asaran na….. hehehe
@Ivan C. : hello! welcome! naku …childhood days … madami talaga masusulat pag nakapag muni muni ka. hehe
@ate kengks!: hahaha, parang nakakatawang eksena iyon maimagine pag nag uunahan dumakot sa natirang pagkain. Habang sa tin, pa unti unti kuha para huwag maging huli, sa thailand unahan maubos hahaha. Ay oo narinig ko nga iyon, pero never ko sinubukan kasi takot ako baka hayup sa fangit ang lumabas na mukha hahahah. ti-ry mo ba ito te? anu nakita mo?
hahahah! 6 and 7 for some reason ay ginagawa ko pa rin hanggang ngayon
yung number 4, matagal-tagal ko ring pinaniwalaan
sabi naman nung classmate ko pag dimo dinuraan ang ihi mo mabubuntis ka huh???
wahahaha. naalala ko ang mga paniniwala ko nung bata. haha. lalo na sa buto ng prutas na tutubo apg nailunok. wahahaha.
hindi naman ako pumuti sa gatas ng nanay ko
hey, asan ka na? my xmas card to you went back. hope ur ok.
maligayang pasko! ayan at bumalik na nga ulit sa aming bahay yung krismas kard na pinadala ko sa yo