Pira-pirasong Diwa











{Agosto 22, 2008}   Kokak

Bukod sa paghabol sa mga biik nung college, pag-gagatas ng baka, pagpasok ng buong braso sa puwitan ng buntis na baka at pagsuksok din ng thermometer sa kanilang kuwan habang buong puso ka nilang ini-etchasan, ay makulay din ang buhay sa Bio 2 na kung saan nakipagbonding ako sa palaka at ipis.

Wala kaming ginawa tuwing biyernes kungdi mag-dissect ng palaka at ipis. Linggo-linggo bumibili kami ng palaka (5 piso, maliit; 10 piso kung gusto mo ung mataba-taba). At linggo-linggo din ay inaabangan ko sa bahay namin maglabasan ang mga ipis para ilagay sa bote at dalhin sa lab para pagpiyestahan.

Naging makulay ang mundo ko dahil ayaw ko sa palaka. Takot ako sa kanya. Kaya linggo linggo ay naiiyak ako kasi pakiramdam ko hindi ako makakatapos ng kolehiyo dahil sa mga palaka. Linggo linggo din akong nagtitiis na huwag masuka sa amoy ng ipis (Naamoy nyo na ba ang ipis?? mas mura iyon kung trip nyong maging adik!)

Unang tinuro sa amin ang pag-paralisa. Kailangan hanapin sa may batok (may batok ba ang palaka) ang tamang pagsusundutan ng karayom para matagumpay mo itong maparalisa. Kapag hindi, “cruelty to animals” ang ihahatol sa iyo dahil ang kawawang palaka ay matotorture kapag sinimulan mo ng hiwain at gupitin ang balat ng tiyan nito parang ibukwang ang mga kalamnan nya.

Hindi madali ang prosesong ito sa mga bagitong tulad namin. May iba sa sobrang diin ng pagsundot ng karayom eh tagus tagusan na ito sa leeg ng palaka. Ang iba sa mata lumalabas ung karayom, ang iba sa ilong. Ang kawawang palaka — duguan sa kamay ng mga mag-aaral. Minsan sa sobrang nerbyos ng mga ito ay naiihi na din sa kamay namin habang naglalabasan ang kamandag nito sa may bahaging tenga. PS: Bawal gumamit ng guwantes. Huwag daw maarte sabi ng titser. Ang naisip ko nun, kapag kinulugo ako, iipunin ko ang mga kulugo at ibabato ko sa kanya.

Isang araw sa lab … habang busy ang lahat sa pag-papraktis magparalisa ng palaka ay napadura ang isa naming kaklase. Itago natin sya sa pangalang Mariel (pero ito talaga totoo nyang pangalan).

“Puweh, puweh!” sabay takbo sa lababo para dumura, hugasan ang bibig at tuyuin ito gamit ang manggas ng t-shirt.

“Bakit? anu nangyari sa iyo?” tanung namin.

“Naihi ung palaka ko. Sa bibig tumalsik. Puweh!” 

Piliin ang tamang sagot: Ano ang naging reaksyon namin matapos malaman ang pangyayari?

a) naawa  b) humagalpak sa tawa c) nagsigawaan ng YUUUUCKK  d) b at c  e) naiinggit dahil gusto din namin makatikim ng wiwi

Hindi tumalsik sa bibig nya ung ihi. Ang totoo nyan, mataas kasi ung pagkakahawak nya sa palaka habang pinaparalisa nya ito. Ung puwit nung kokak sa may mukha nya nakatapat.

Sapul!!



kengkay ay nagsabing:

hahaha, ganyan din nangyari sa amin mabuti na lang mabilis kaming naka-ilag. sa kamay lang kami na ihian. yukkk



eloiski ay nagsabing:

wahahaa!
hindi ko man lang naexperience magdisect ng kokak!
lalo na ngaung college dahil wala siyang koneksyon sa course ko!



Pokwang ay nagsabing:

yakers!! isip ko lang ha, ano ang significance ng pagdisect ng palaka sa araw araw na buhay natin? bakit kailangan aralin yon kung di mo naman gusto maging scientist or doktor? piliin tamang sagot
a) ngayong alam mo nang mag dissect ng palaka,move on ka na sa pusa, aso, ibon at tikbalang?
b) baka sakaling kakadissect mo nang palaka eh bigla siyang tumayo at maging prinsepe?
c) once na master mo na ang pag dissect ng palaka eh alam mo na rin ang sagot sa ultimate question – ano ang nauna chicken or egg?
d) sa susunod na buhay mo eh ikaw naman ang palaka at ang palaka naman ang bio student.. karma lang yan.



eyna ay nagsabing:

@ate kengkay: yuccckss hahahaha. pero di naman talaga maiiwasan di ba? minsan nga na etchas pa ung palaka eh.

@eloiski: you lose 1/4 of your life. hahaha. jokes. naku wag mo na pangarapin! hahaha. mag-enjoy ka na lang sa calculus.

@ate poks: kailangan natin aralin un para malaman natin kung paano nag fufunction ang digestive, respiratory at nervous system ng palaka. hehehe. bakit nga ba…lol. pero alala ko ung last project namin dun, pinainom namin ng kape ung palaka kasi we want to test daw “the effects of coffein in the respiratory system” hahaha. uy nakahawak na din ako ng pusa. ung bestfriend ko kasi nag PT tas may time na lagi nya inuuwi ung pusa nung group nila. tas tinutulungan ko syang magpahid ng formalin sa pusa. kasi pag nabulok un eh bawas sa grade. may time din na nag-uuwi sya ng iba’t ibang bahagi ng skeleton ng tao. at magkatulong kaming inaidentify ung parts nun.



lilaybulilay ay nagsabing:

hindi ko na experience yan kasi tuwing gagawin namin yan lagi akong absent, ayoko ng palaka talaga kahit hanggang ayoko parin



♥ihnah♥ ay nagsabing:

kakainis namn zaan ba makikita ang drowing ng skeletal at ang mga bahagi nito hmmmpp



♥ihnah♥ ay nagsabing:

aq naka hawak na ng palaka parang stick za tikas ung laman bad3p nga aq nagkasugat pah meh ang baho nga nun ehhh eheh



Mag-iwan ng Tugon

at iba pa