Pira-pirasong Diwa











{Agosto 4, 2008}   Pasasalamat

Mahigit isang buwan na din akong hindi nakakapagsulat. May isang pangarap kasi akong gustong abutin at matupad ng mga panahong iyon. Minsan, kailangan munang pansamantalang ipasantabi ang ilang bagay upang higit na mapagtuunan ng pansin ang isang pagnanasa na nais makamtan.

At dahil dito, nagpapasalamat ako sa inyo na paminsan minsan ay dumadalaw sa blog ko bagamat ang sumasalubong sa inyo ay langaw na matagal ng nagliliwaliw sa site na to. Malamang naisip nyo minsan na sayang ang kilocalories na nilaan ng inyong daliri sa pag-click sa site na ito wala naman palang mababasa.

Salamat din — sa mga nag iwan ng pahayag na ngayon ko lang natugunan. Sa mga bagong napadalaw, maraming salamat din.

Salamat, salamat :)

Maglalaan ako ng araw upang dalawin kayong lahat (parang mumu). Pangako sa iyo. Promise. Eye to eye.



Pokwang ay nagsabing:

ay salamat mabuhay!!!!



ifoundme ay nagsabing:

welkam bak!



kengkay ay nagsabing:

eye to eye daw oh :D hala, sundan ang pangarap. basta mag kwento ka



lilaybulilay ay nagsabing:

nagparamdam din sa wakas!!!!



Mag-iwan ng Tugon

at iba pa