Naper iper inper tinper diper hanper moper baper iper toper?
Naiintindihan mo ba ito?
Tatlo silang magkakapatid. Tatlo silang bagong salita sa aming paaralan. Ganito sila mag-usap. Ganito sila mag-usap lalo na’t sinisermonan ni ate ang 2 nakababatang kapatid. Ganito sila mag-usap kapag may bagay na ayaw nilang maintindihan ng nakakarami. Ito ang kanilang lihim na linguahe.
At dahil napabilang sa aming barkada ang isa sa kanila, natutunan namin ang sikreto ng kanilang pananalita. Ganito iyon, dugtungan lang ng salitang “per” ang bawat pantig ng salitang iyong sasabihin.
Halimbawa: Kamusta ka? = ka+per mus+per ta+per ka+per? = kaper musper taper kaper?
Madali lang di ba?
Pero hindi namin ginamit ang linguaheng ito, kumbaga patented na nila. Kaya nag-isip kaming magkakabarkada ng sariling amin. Noong una, naisipan namin dugtungan ng “lms” ang bawat pantig.
Kalms muslms talms kalms? Nalms rilms niglms molms nalms balms anglms balms lilms talms?
Bukod sa nagbuhol-buhol na ang aming dila, at di na natutuwa makipag-usap sa bawa’t isa gamit ang ganitong pananalita ay maraming pantig na kailangang gawan ng batas kung paano idudugtong ang “lms”.
Dahil dito isinilang ang ga-ge-gi-go-gu. Ito ang idudugtong sa bawat pantig. Kapag ang isang pantig ay nagtatapos sa “a”, dudugtungan ito ng “ga”, kapag “e”, “ge” ….
Halimbawa: Kamusta ka? = kaga mugus taga kaga?
Mabuti = Maga bugu tigi.
Yan ang grupo namin noong elementary. Uso pa paggawa ng pangalan nun, ung tipong lahat ng initials nyo pag-kokombinin tas dudugtungan nyo ng “Chums”, “Girls”, “Boys” etc. (S.L.A.V. Chums ganun). May kuweba (tambayan) kami kapag recess kung saan ang hindi miyembro ay walang karapatan “makitambay” hahaha. At bilang isang organisasyon, nagsusumikap din kaming magtaguyod ng isang “proyekto”. At ang proyektong matagumpay naming naming naipatupad ay ang magkaroon ng First aid kid sa klase (mga laman: alkohol, bulak, biogesic, bandaid, white flower, stickers).
Aga yagan! Magay baga gogo kaga nagang naga tugu tugu nagan! Sogo paga aga nogo, paga higi ngaga mugu naga aga kogo. Naga igi kugu wegen togo kogo lagang igi togo paga raga naga magan magay laga magan agang blogog kogo. hege hege.

hehe ganyan din magsalita mga kaklase ko nung HS pero na decipher ko din LOL
hahahahah! nakakamiss yan! ganyan din kami dati magsalita pag may chinichismis.
nostalgic na naman heheheh,kakamiss ang dati
Ang weirdo naman nun. Ganun pala ang mga ‘gossip girl’ hehehe.. Naku nakakatakot yan baka mamaya ako na pala pinag tsitsismisan.. Makatabi na nga.. hahaha!
hehehe, ako sa lumang script ko dinaan ang aming secrets dati e. kasi nabubulol ako sa ganyan dati
uy, musta ka na!
Oy Eyna, musta na? Eto sali na rin ako sa wordpress, para masaya. – guess who am I? Ano ba yan, kelan ka mag po-post ulit, na miss ko na kwento mo. Nga pala inadd na kita sa links ko.
Eto address ko in case di mag direct sa bagong blog, di pa ako sanay dito sa wordpress eh
http://kandiritan.wordpress.com/
Hehehe! Ayos!
@bluep: kami din ata na decipher nung isang kaklase namin dati. kasi medyo madali lang din naman talaga pag pinakinggan. sa umpisa lang ung “surprise effect” hehe
@ifoundme: hahah tumpak! mainam ito pag chismisan at intrigahan haha.
@emoboyblue: iba ang babae lumaban sa giyera
may strategy. lols.
@ate kengks: ay tinry din namin un! nag imbento ng sariling sulat sa alpabeto. kaso di tumagal kasi ang hirap. meron pa nga dati pag member ka ng Super Kids Club, meron dun na exclusive for members na code-decoder. hehe
@ate T: hahahha. oo nga nice site. di pa ko nakakaleave ng comments. sensya na. bagay sa yo si pokwang hahahaha.
@mario: salamat salamat!