Naper iper inper tinper diper hanper moper baper iper toper?
Naiintindihan mo ba ito?
Tatlo silang magkakapatid. Tatlo silang bagong salita sa aming paaralan. Ganito sila mag-usap. Ganito sila mag-usap lalo na’t sinisermonan ni ate ang 2 nakababatang kapatid. Ganito sila mag-usap kapag may bagay na ayaw nilang maintindihan ng nakakarami. Ito ang kanilang lihim na linguahe.
At dahil napabilang sa aming barkada ang isa sa kanila, natutunan namin ang sikreto ng kanilang pananalita. Ganito iyon, dugtungan lang ng salitang “per” ang bawat pantig ng salitang iyong sasabihin.
Halimbawa: Kamusta ka? = ka+per mus+per ta+per ka+per? = kaper musper taper kaper?
Madali lang di ba?
Pero hindi namin ginamit ang linguaheng ito, kumbaga patented na nila. Kaya nag-isip kaming magkakabarkada ng sariling amin. Noong una, naisipan namin dugtungan ng “lms” ang bawat pantig.
Kalms muslms talms kalms? Nalms rilms niglms molms nalms balms anglms balms lilms talms?
Bukod sa nagbuhol-buhol na ang aming dila, at di na natutuwa makipag-usap sa bawa’t isa gamit ang ganitong pananalita ay maraming pantig na kailangang gawan ng batas kung paano idudugtong ang “lms”.
Dahil dito isinilang ang ga-ge-gi-go-gu. Ito ang idudugtong sa bawat pantig. Kapag ang isang pantig ay nagtatapos sa “a”, dudugtungan ito ng “ga”, kapag “e”, “ge” ….
Halimbawa: Kamusta ka? = kaga mugus taga kaga?
Mabuti = Maga bugu tigi.
Yan ang grupo namin noong elementary. Uso pa paggawa ng pangalan nun, ung tipong lahat ng initials nyo pag-kokombinin tas dudugtungan nyo ng “Chums”, “Girls”, “Boys” etc. (S.L.A.V. Chums ganun). May kuweba (tambayan) kami kapag recess kung saan ang hindi miyembro ay walang karapatan “makitambay” hahaha. At bilang isang organisasyon, nagsusumikap din kaming magtaguyod ng isang “proyekto”. At ang proyektong matagumpay naming naming naipatupad ay ang magkaroon ng First aid kid sa klase (mga laman: alkohol, bulak, biogesic, bandaid, white flower, stickers).
Aga yagan! Magay baga gogo kaga nagang naga tugu tugu nagan! Sogo paga aga nogo, paga higi ngaga mugu naga aga kogo. Naga igi kugu wegen togo kogo lagang igi togo paga raga naga magan magay laga magan agang blogog kogo. hege hege.
