Pira-pirasong Diwa











{Mayo 23, 2008}   Ang Lapis

Noong ako’y pitong taong gulang, may kakaiba akong gawi na hindi maiwasan – ang pag-ngatngat ng lapis. Tuwang-tuwa akong nakikita ang bawat marka at bakas ng aking mga ngipin sa kawawang lapis.Nginangatngat ko siya habang nakikinig sa klase. Nginangatngat ko siya habang nag-iisip ng tamang kasagutan tuwing araw ng pagsusulit. Nginangatngat ko sya kapag recess at tinatamad makipaglaro sa labas. Minsan nginangatngat ko siya nang hindi namamalayang malapit ng madurog ang lapis sa lambot at mga uka.

Pero hindi lahat ng lapis. May mga lapis kasi na pangit ang lasa. Tulad nung mga makukulay na may panda o bear na super itim ng kulay ng kahoy. Dapat Mongol. Pero hindi rin lahat ng Mongol. Masarap ang may tatak na numero 1 o 2. May lapis din na walang pintura – hubad ang tawag ko sa kanya. At kakaibang linamnam din ang taglay ng lapis na ito.

May iba akong kaklase na sinisipsip ang pambura sa lapis. Madami sila. Ano kaya ang meron sa pambura? Ayaw ko ng amoy pambura. Mabaho. At saka hindi masarap, lasang goma.

Minsan nalimutan ko ang aking lapis sa bahay. Madalas kasi mawala ang aking mga lapis. Napagkakamalan sigurong basura ang kahitsurahan kaya naitatapon ng hindi sinasadya.

Kaya nung araw na iyon, nanghiram ako ng lapis. Mabait naman akong pinahiram ng isa kong kaklase. At sa sobrang kabaitan, sinabi nya pa na puwede kong gamitin ang kanyang lapis sa loob ng 3 araw. Ambaet! Sya ay dapat ituring na bestfriend!

Bagong-bago ang lapis na pinahiram nya. Kaya naman ganado ako sa pagsusulat. At hindi namamalayan, ganadong-ganado din ang aking ngipin sa pagngatngat. Happa happa happa…happa happa happa.

Nalimutan kong hindi ko pag-aari ang lapis.

Matapos ang 3 araw, may bago na akong lapis. Patay malisya kong isinauli ang lapis na pinahiram nya.

Hi classmate! Ito na ang iyong lapis! Thank you beri much!” Nakangiti kong sabi. Nakangiti namang kinuha ni classmate ang lapis nya. Subalit ang mga ngiti ay unti-unting naglaho habang taimtim nyang pina-iikot ikot ang lapis sa kanyang mga kamay na para bang pinag-aaralan ang mga disenyong aking nilikha.

Sa yo na lang ito…” sabi nya, sabay balik sa akin ng lapis.
Uh..bakit? Ayaw mo??” tanong ko … huli na ng maisip ko ang lantaran at nagsisigaw na katotohanan.

Hindi basta sa iyo na lang.” sagot nya.



nanay belen ay nagsabing:

ang tindi mo naman kasi. Ba’t mo nginangatngat ang lapis e marumi yan. baka masugat ang bunganga mo, mainfection pa.



ifoundme ay nagsabing:

bhwahahahah! guilty din ako dyan. ngatngat queen din ako dati at hindi lang lapis kundi pati ballpen at kuko. eh pano naman kasi nakakaisip ako ng matino pagganyan. natigil din yun kasi sa kakapalo ng nanay ko sa kamay ko.



Toni ay nagsabing:

naku naman, kahit ako rin classmate mo bibigay ko rin sa yo lapis na yan.. mukhang nakatatak na eyna all over it eh :)



lilay ay nagsabing:

iba ang sensation na bigay ng lapis habang nginagatngat mo,yung feeling na bumabaon baon yung mga ngipin mo sa malambot na malutong na kahoy ng lapis haaaaaay cant really explain the feeling…hahhahahah



tina ay nagsabing:

ayos ang trip mo ah…. masubukan nga.
nga pala masarap din ang narra, try mo:)
pag na meet kita pramis ko sa’yo di kita pahihiramin ng lapis ko…
hehehehehe>)



bluep ay nagsabing:

naku pinakamasarap dyan ay yung nayuyupina yung bakal sa dulo ng lapis haha. gawain ko din yan dati



kengkay ay nagsabing:

tapos na ba yang ngatngatan blues na yan? kasi itago ko na agad yung mga lapis ng mga little kengkays kapag alam kong darating ka dito, ahahaha



[...] Eyna shifted to something odd this week by telling her experiences with pencils and how erasers at t…… Haha read it and you can somehow relate with her and her pencil… [...]



eloiski ay nagsabing:

wahahaha. kinakagat-kagat ko rin yung lapis ko. hahaha. tapos kapag pudpud na yung sa eraser kelangan kagatin yung metal para tumaas uli ung pambura. wapak!

hay elementary days nga naman. laging naiiwan o di kaya nama’y nagwawalaan ang gamit ko. wsla pang isang linggo, nawala na o di kaya nama’y pudpud na.



neex ay nagsabing:

buti hindi mo naging mannerism yan. may iba kasing ganun, nasanay na hanggang sa paglaki. pero galing din ng lapis noh? nakakaisip ka pag kinakagat. may magic?



eyna ay nagsabing:

@nanay belen: hehehe, di ko rin po alam eh. basta yan gawain ko nung bata ako dati.

@ifoundme: hahaha. ako di ko pa natikman ung ballpen. tsaka di ako masyado sa kuko. pero dati ung kuko ko gunting ang gamit kong panggupit! napaka-un…unfeminine.

@ate toni: ganun??? di na kita bati…hahahahahaha!

@lilay: hahaha oo tunay! iba talagang feeling. parang nahahasa ang ngipin at tumatalim hahaha.

@tina: hahaha, cge tas share mo kung ano experience mo sa pagngatngat ng lapis ha? pag mechanical pencils gamit mo, di ko din papatulan hahahah.

@bluep: ay oo nga!!! nakalimutan ko ginagawa ko din yan! pero mabilisan kasi nga nalalasahan ko ung pambura eh pag maitim na ung pambura eh di talaga masarap! hahaha!

@ate kengks! huwag kang mabahala. di na ako nagngangatngat ng lapis. tapos na ko sa developmental stage na yan hahahaha. tsaka nung ng grade 6, high school hanggang college eh iba-iba na mga nauso, kaya paiba iba na din ang trip as the year goes hehe. o yan ha, puwede ka na makahinga ng payapa. :) )

@eloiski: hahahahaha, oo nga! dapat sulitin ang pambura! kaysa naman gawing pambura ung laway eh butas butas na ang papel mo nun pagkatapos. hahaha.

@neex: di nga? naku, ang pangit nun pag matanda na nagngangatngat pa. now that you mentioned it, yung kaklase ko ata naging trigger ng pagtigil ko sa pagngatngat kasi nahiya ata ako nun.



tina ay nagsabing:

ang sarap po pla ng lapis…
kawawa naman kapatid ko minarkahan ko yung monggol nya. “di bale iwas magnanakaw yun, kabisado ko kurba ng ngipin ko. lol>)



bloggityblogs ay nagsabing:

Kumusta Reyna ng mga Lapis, si Mahalia ito at nagawi ako sa post dahil kay BlueP. Pareho rin ang nangyari sa akin, pati ngipin, pambura, balat ng kendi at ang pinakamasarap ay yung tube ng plastic balloon. Kaya siguro parang na lead poisoning ako sa kapayatan ko dati…ma-try nga kaya ulit ang dyetang ganyan baka pumayat ulit ang mga bil-bil ko. :) Nice post.



bloggityblogs ay nagsabing:

I’m Sorry natawag kitang Reyna, sorry sorry sorry. Eyna pala. patawad…



emoboyblue ay nagsabing:

Haha!! Mas masarap ung kulay black na malaking lapis ang kinakagat kagat mo paikot ikot habang nakikinig sa klase.. hihi.. :-)



eyna ay nagsabing:

@tina: di nga?? hahahahaa. mahirap na nga manakaw un kasi pag dinala sa CSI ma iidentify agad hehehe

@Mahalia: Hello hello! salamat sa pagdalaw! ay oo nga naalala ko ung tube ng plastic balloon hahahaha. pero di ko gusto sipsipin un kasi am pangit para sa kin ng lasa, pero mga pinsan ko, paborito ang lasa ng plastik balloon hahahaa. Reyna ng Lapis hahahahahah….ayos may kingdom na ko. lols.

@emoboyblue: ang maganda lang sa black na malaking lapis matagal bago matadtad, kaso ang tigas kya! tyaga di masarap ung kahoy nun (para sa kin) hahahaha.



kengkay ay nagsabing:

o ano, naka shorts at tsinelas ka na ba? dito since last week pa kami feeling summer e



lionel (acid42) ay nagsabing:

May lahi ka palang beaver.
:D



MisyeL ay nagsabing:

wahahaha! talagang binalik mo pa ha after mo ngatngatin? hahaha! kamusta naman kaya ngipin mo ngayon sis? ang tibay nyan siguro!



eyna ay nagsabing:

@ate kengkay: naulan ba ngayon dyan sa inyo? ang lakas ng ulan ngaun, bumabaha pa.

@lionel: haha ganon?? di bale, cute naman ang mga beavers :)

@MisyeL: syempre, ang mga bagay na hiniram (hindi pag-aari) dapat binabalik hehehehe. pero alam mo, nabasa ko nga kailan lang hindi magandang mannerism to pag bata, kasi un ang time na nagfoform ang mga ngipin. hmmm may ngipin pa naman ako….sa harap. :D



[...] Eyna shifted to something odd this week by telling her experiences with pencils and how erasers at t…… Haha read it and you can somehow relate with her and her pencil… [...]



Mag-iwan ng Tugon

at iba pa