Pira-pirasong Diwa











Uso pa ba ngayon ang wrestling (WWF)?

Noong elementary days ko noon, oo. Sikat na sikat ang wrestling kahit na pinagbabawal ng nakakaraming magulang ang panonood nito sa mga bata. Una, walang kapupulutang aral at pangalawa di oras pambata ang labas nito sa tv (mga alas 10:30 ng gabi).

At dahil uso WWF non, number 1 fan ako ni Hulk Hogan. Bago pa naubos baon ko sa pagbili ng mga teeny magazine na Teenbeat, Bop, Big Bopper ay naubos muna dati ang baon ko sa pagbili ng posters ng mga wrestlers. Bente pesos un noon kada isa. Minsan may makikitaan ka na 15 pesos (so grab it while its hot!). Yun nga lang, mga isang linggo lang tinatagal ng posters ko sa kuwarto kasi sinisira ng nanay ko.

“Ano ito?!? Ba’t ganyan mga nakadikit sa dingding mo? Bakit ganyan mga iniidolo mo?!? Tanggalin mo nga yan!!!” Sabay tanggal nya sa mga poster.

“Ang dami daming maiidolo mga maskuladong naka-brief pa!!”

Twelve years old ako nun.

Isang araw, naglalaro ang mga pinsan ko ng wrestling. Iniimita nila yung WWF at naka costume pa sila papalit palit. May Barber Beefcake, may Undertaker, Jake the Snake, Tugboat, Hacksaw, etc.

Syempre inggit ako. Ang saya nila eh. Boring magsuklay ng manika at maghapong paghalikin ang ken at barbie.

Pinasali naman ako ng mga pinsan ko. Dahil bata pa, walang malisya. At dahil ako si Hulk Hogan, kailangan walang pangitaas at panty lang.

Pag-uwi ng nanay galing trabaho …

“Ano ito!!!!!” sabay baling sa kin, “Ba’t ka nakikipaglaro ng hubad?!! P*taragis kang bata ka! May dede ka na iha. Pumunta ka sa kuwarto mo dali, magbihis ka nga at nakakahiya!”



kengkay ay nagsabing:

ay, ayaw na ayaw ko nyang wrestling na yan, di ko matake



lilay ay nagsabing:

hahahah kakatuwa ka eyna, favorite ko din ang wrestling lalo na si million dollar man at ravishing rick rude, yung mga naka drawing na kamay sa brief tapos pipili ng babae sa audience tapoos iki kiss nya sa ring hanggang sa sa mahiga yung girl ahaahhahaahh



lionel (acid42) ay nagsabing:

Sabi ko nung bata ako, pag nakarating ako sa States, manunuod talaga ako ng wrestling… Ngayon na andito na ako, na-outgrow ko na, hahahah! (buti na lang.)

God bless.



gasti ay nagsabing:

haha! babae ka pala. bakit naman aksi naghubad ka pa. di pa masyado sikat ang mga wrestling divas noon saka walang dating para sa kin. ang idolo ko noon eh si hulk hogan at ultimate warrior pati na rin si undertaker.

ang naalala ko pa sina macho man, rody piper, andre the giant, mr. perfect, bret hart, demolition man, the rockers at madami pa iba..hehe! wrestling fan ako noon pero ngyon di na masyado. badtrip kasi yung wwe eh yung mga pay per view shows nila sa sine mo na lang mapapanood. may mga vcd rin pala kami ng wrestling.



defpotec ay nagsabing:

di pala aksidente kaya isa akong hulkamaniac nun.. sana minsan laru tayo uli.. kahit tagteam kita or kahit kalaban kita… ok lang, kahit ako na ang kontrabida… basta pupunitin mo rin yung pang itaas mo ala hulk hogan ha



eloiski ay nagsabing:

wahahaha! naghubad pa talaga oh.

hindi ko nakahiligan mga wrestling na yan. masyado kasi ako naadik sa mga kiddie shows.
doon ko lamang itunutuon ang aking oras sa tuwing walang magawa sa buhay. at hanggang nagyon, hindi pa rin ako mahig kasi may mga anime naman at kiddie shows pa rin.

wahihihihi!



jeniffer ay nagsabing:

laos na si HOGHOGAN.. pero di natalaga ako nanonood ng ganyan.. kasi nakakatakot sila.. parang di totoo minsan yung suntukan nila sa ring hahaha..



Toni ay nagsabing:

bwahahaahahahaha, super tawa ako don, i can imagine your mom,.. sobrang na high blood sigurado.. katuwa ka talaga eyna. aliw :) you made my afternoon..



NEEX ay nagsabing:

uso parin wrestling ngayon.. kaso di ako mahilig dun eh.



eyna ay nagsabing:

@ate kengks: as ing never??? no-nininow-ninow-now-ninow??

@lilay!! : ng mabanggit mo si ravishing, naalala ko ung announcer ba tawag dun? sisigaw sya ng rrrraaaviiishiiiiiiing riiiiick ruuuude!! tapos sigawan na mga pipol ahahahahah. si million dollar man ba ung, pag nanalo sya pinapakain nya ng pera ung kalaban?? natutuwa din ako kay undertaker kasi pag nanalo nilalagay nya sa kabaong ung natalo nya lol.

@lionel: anu nga kaya feeling no pag live? kaso di na din ako mahilig sa wrestling eh kasi nga parang ja-fakes parang hollywood lang ung laban scripted.

@gasti: hello! salamat sa pagbisita! di ko na din alam kung sino mga sikat ngaun dun. grabe na pala talaga commercialized na sila. di ba may tsismis pa nuon na si ultimate warrior may double?

@defpotec: hahahahah! ganon? naku…di na pupuwede. Retired na ko dyan, at gaya ni hulk hogan, gagawa na lang din ako ng tv version ko ng “Hogan knows best sa mtv”. hehe.



eyna ay nagsabing:

@eloiski: hehe. napanood mo din ba ung Ranma 1/2 ? :) )

@jeniffer: sabi ng kuya ko scripted daw un. as ing for entertainment lang daw talaga ung arte nila na nagbabakbakan. pero dati paniwalang paniwala ako, naiiyak pa minsan ahahaha. nagdivorce na nga sila nung wife nya after more than 20 years. tas ung kaibigan ni brooke (daughter ni hulk) pa ang bagong ka-relasyon ni hulkhogan. as ing bata pa. grabeh. tas ung anak naman nya na lalaki makukulong pa ata for reckless driving.

@ate toni: hahahahaha. naku nung mga panahong sa min nakatira 3 kong pinsan, sa sobrang dami naming bata sa bahay high blood nanay ko madalas sa kakulitan namin.

@neex: ako din di na. di ko na din kilala mga latest ngaun kung sino sikat sa kanila. gaya ni lionel na outgrow ko na din :D



nanay belen ay nagsabing:

Hahahahaha! Wrestling for little kids. magandang pauso yan ngayon. Puro nanay ang audience. LOL



emoboyblue ay nagsabing:

Ako maka bret hart ako.. Sharpshooter!!! Wahaha!! Pwede po sama niyo ako blogroll niyo? tnx po.. :-)



eyna ay nagsabing:

@nanay belen: hahahaha, ur a cool mama nanay belen! :) ) basta walang sakitan o pikunan, oks lang mag-wrestling mga kids.

@emoboyblue: hahahahaha! may ayaw na ayaw akong team dati eh, kainis di ko na maalala, basta 2 o tatlo sila, itim ang costume tapos madaya maglaro. eniweis, oo naman link link na! :) ) apir!



defpotec ay nagsabing:

“hahahahaha! may ayaw na ayaw akong team dati eh, kainis di ko na maalala, basta 2 o tatlo sila, itim ang costume tapos madaya maglaro”

gusto sana kitang tulungan ma identify kung sino mga yun, kaya lang parang dinescribe mo lang naman ay 95% ng characteristics ng mga tag team wrestler na kontrabida….”



gardo ay nagsabing:

astigin. may pagka tomboy ka ba? astig costume mo ha ginaya mo si hulk hogan. your maybe hot?



gardo ay nagsabing:

joke lang yun. nyweiz. makaluma pla mga favorit mo na wrestlers.



eyna ay nagsabing:

@gardo: hello! salamat sa pagdalaw. ako..hmm hindi. pero muntikan na dati kasi sa school dati mas masayang kalaro ang mga girlash na tomboy keysa sa mga tumitiling girls. sila kasi walang kaartehan sa katawan. kaso lagi ako pinapagalitan ng nanay ko kaya hindi natuloy. makaluma na ang mga favorite ko kasi naman panahon pa ng kopong kopong un nung nanunuod ako ng wrestling. hindi na ako nakakanuod ngaun. boring na din sya sa tingin ko kasi parang puros acting lang.



Mag-iwan ng Tugon

at iba pa