Tawas.
Yan ang una kong naging deodorant. Sosy na yan ngaun kasi available na sya as roll-on. Pero dati ang gamit ko nung Grade 6 pa ako ay yung naka-plastik na parang shabu pag napanood sa mga pelikula (di ko pa kasi nasubukan mag-drugs eh kaya ung sa pelikula lang basehan ko).
Yan ang itatapal mo sa kili-kili.
Puwede din ung crystallized form na ihihilod mo sa kili-kili hanggang ma-absorbed nito ang BO mo. At dahil nakakapit dun ang BO kapag hindi mo ito madalas na hinugasan, puwede mo na syang pag-tripang amuyin kung nais mong mahilo para may excuse ka umabsent sa klase. Masusuka ka pa kapag share-share nyong gagamitin sa bahay iyong crystallized tawas.
Balik tayo sa powder, dahil un ang madalas ko nagamit kahit panandalian lang. Bakit panandalian? Kasi hindi ko matagalan ang pakiramdam nang may nakatapal na parang buhangin sa kili-kili. Makati kaya! Tapos dahil mainit, uso pa nun ang kantyawan kapag sa sobrang pawis eh may nabubuong isla sa iyong uniform kapag nagtaas ka ng kamay. Bagsak dun ang tawas, hindi nya kayang pigilin ang mga pawis sa pagtulo sa uniform. Isa pa, tuwing nagtataas ako ng kamay para sa recitation, kitang kitang ang mga puting nakatapal sa king kilikili pag nasilip. At ang mas masaklap, ramdam na ramdam kong nagbabagsakan ang mga butil ng tawas sa tuwing itataas ang kamay. Bad trip iyon sa isang nagdadalaga at may “crush” “crush” nang nalalaman!!!
At dahil di na makapagtimpi, inipon namin ng matalik kong kaibigan ang baon namin sa loob ng ilang linggo para makabili ng deodorant. Tig-isa kami ha! Kaya pagpasok namin uli sa school, confident na kami. Sya kasi di na nya kailangan ipitin lagi kili-kili para huwag sumingaw ang itinatagong lagim, ako dahil sa wakas di na puno ng buhangin ang aking butihing kili-kili. Confident na kami. Oks na ulit kumarengkeng.

alam mo ginawa ko pag wala ng pera, eh nilagay ko yung powdered tawas sa lumang bote ng deodorant at nilagyan ng tubig, mix mix till matunaw yung tawas.. ayon eh di may deo na ulit ,.. mahusay yon! wala pang problem sa crystallization process.
pareho pala tayong nangangati sa tawas, tska nagbabaha talaga ang kili kili ko dyan pag ginagamit ko,pero panalo nga daw yan at nakaka puti ng kili kili.
wahahaha, yan din unang deo ko. tapos medyo nagkaron ng pera namili ng tunay na roll on, na maling desisyon. kasi nung hindi ako gumagamit ng roll on; kapag wala akong deo o tawas, walang amoy kilikili ko; aba nung ginamitan ko ng deo nasanay naman, ang asim na bigla ng amoy ng kilikili ko — lintek, may scam yata yan ano sa tingin ninyo?
Pasalamatan magiliw balutin…
Kung ka mangilangan A Blog , subukin sa tumingin “Leoxa.com”
( ang paksa ay pagayon nakatutuwa )
ay naku hindi ako gumagamit nyan noon kabataan ko. ang mga boardmates ko ang mahilig dyan. Bumibili sila sa Quiapo na buo -bato na crystal ang tingen ko. Nagtyatyaga silang magdekdik dahil takot silang gumamit ng powderized na baka raw may halong harina.
@ate toni: sinubukan ko din un gawin payo ng tita ko, minsan hinaluan nya pa ng baby powder para mabango. nung ginawa ko naman, parang nagmistulang may libag kilikili ko. lol.
@lilay: tas ung rexona lakas makaitim ng armpits (naks iningles hahaha). tsaka nakakamantsa ng manggas nagkukulay yellow.
@ate kengkay: ay oo nga! napansin ko din un! mula ng mag-umpisa akong mag deodorant naging dependent na ang kilikili ko dun. baka nga scam! pero alam mo nung college ung dormmate ko di sya nag dedeo pero no probs. pero super sya maghilod ng armpits. un siguro secret (naghihilod naman ako ah..lol.)
@poychte: sorry po…pero di ko talaga masyado magets ung sinulat mo. pero salamat sa pagbisita! mabuhay!
@nanay belen: hello hello! maraming salamat din sa pagbisita! ang hirap magdikdik! madaya nga un pag may halong harina. pero teka, anu ba mangyayari pag may halong arina ung tawas?
kapag may halong harina yung tawas e magiging madikit yang kili kili mo, hahaha – batter na yun, yikes!
oo nga pati tawas may imiteyshon hahahah
Naku. Nung high school ako, binigyan ako ng deodorant ng isang kaibigan ko. Nakabalot pa sa newspaper. Rexona roll-on. Before that, ginagamit ko Right Guard na spray. Hindi epektib. Won’t let you down nga. Pero puro stain ang t-shirt. Tawas is still the best!
@ate kengkay: ahhhhh ahahahaha. pag ganun puwede din gawgaw para talagang makapit. ahahahaha.
@lilay: oo nga! lahat may fake versions ahahaha
@lionel: malakas nga makamantsa ung rexona. kahit ilang kuskos ng calamansi gawin sa manggas minsan di lahat natatanggal. ang pinaka epektib na nagamit kong deo lately, ung hidrofugal. walang kaamoy amoy. d best.
)