Nakagamit na ba kayo ng Perla? Ito yung sabong panlaba na bareta. Mga apat laman sa isang plastik pero sa suking tindahan puwede mo bilhin ng pa-isa isa. Hindi ko alam kung meron pa nito ngayon, pero nung bata pa ako, yan ang gamit sa min. May kulay asul at puti. Paborito ng nanay ko gamitin yan panglaba ng kanyang lingeries at face towels. Mainam daw kasi. Lalo na sa puting t-shirts. Magaling daw makaputi. At dahil mild at mainam makaputi, yan na din gamit naming panligo, pag naubusan ng shampoo, puwede na din sa buhok gamitin. Puwede ka na isampay.
Ewan ko ba pero nung mga panahong iyon, inis na inis ako sa Perla. Pano ba naman sikat ang commercial ng safeguard, lifebuoy, irish spring at kung anu ano pang sabon, tas kami Perla. Habang ang mga kaklase ko nagpapagalingan sa mababango nilang sabon, at busy mag inarte ng “I can feel it!” sa shampoo nilang Body&Bounce ako naman amoy Perla.
Kung para saan ung kulay asul na Perla, di ko alam. Siguro para sa de-kulay. Kasi dati nung nilabhan ko ang t-shirt ko gamit ang Perlang asul, ayun, asar talo ako dahil nagkulay blue ang white t-shirt ko. Parang medyas na bagong tanggal sa sapatos.
Buti hindi na pinatulan ng nanay ko ung Ola. Sikat din un dati, ang commercial pa eh yung pulis sa gitna ng kalye, bigla na lang hahapaypay ang kamay sa kaliwa at kanan habang kumakanta ng “Ola, ola, pinong panlaba…”

mabuhay ang pagbabalik ng tagalog blog ni eyna! mabuhay! ay ang blue perla eh para sa coloured clothes ata.. di ko lang sure kasi naman sa min eh loyal sa mr. clean ata or ajax.. parang wala ata sa baguio ng perla, pero ola meron
yehey! mabuhay!
mr. clean ba ung, “kuskos…piga” ?
hehe
uu pang colored nga ata …pang maong at blue t-shirts hahaha.
sabi nila maganda sa muka yan.. pero di ko pa natry.. sabagay kung totoo man yun.. cheaper yun ha..nice blog here..
hi jeniffer!
maraming salamat sa pagbisita!
aha!
kaya siguro lagi “nilalabhan” ng nanay ko sa perla ang face towel nya, kasi pinanghihilamos din! in fairness, young looking pa din nanay ko at her age of 62.
Iyan gusto ko sa site mo eh, nagbabalik ako sa nakaraan ehehe! Maganda ang Perla sa mukha pero di ko na matandaan kung nasubukan ko hahaha! Yung blue na perla maganda sa white uniform, ganda magpaputi.
salamat sa bisita eyna, ginamit ko rin yan perla blue sa buong katawan gusto ko kasi pumuti non mas mura kasi sya sa c.y. gabriel wonder soap…hehe pero gamit sya ni nanay para sa mga puting uniform ko
hi misyel!
naintriga naman ako dun … parang gusto ko ulit hanapin ang perla pag nagkaroon ako ng chance umuwi sa tin at subukan sa mukha! dapat pala hindi ako naghimagsik sa perla nung bata pa ako at laging ginamit sa pagligo … imagine di sana parang kutis baby pa din face ko hanggang ngaun.
PS. dami nyo na nagkuwento sa kin na nakakaputi din pala ung blue na perla. alam ko na pagkakamali ko…siguro kulang sa banlaw ung t-shirt ko kaya nag kulay blue!
hi lilay!!!
meron pa nga gawain mga kakilala ko dati, pinapatuyo sa balat ung sabon bago banlawan. mas mabisa daw!
alam mo ba ung pinsan ko (na lalaki ha), lahat ng pampakinis at pampaputi ng mukha sinubukan. from tsing tsang tsu, dr wongs sulfur soap, iba’t ibang facial cleanser to likas papaya. makinis na mukha nya ngaun, talo pa kaming mga girlash pero makintab din parang na shoe polish ahahahah. babatukan ako nun pag nalaman nyang kinuwento ko sya dito. lol.
papaya, yung hiyas, sikat yon sa thailand. hakot ko parati yon para sa mga kaibigan kong thais everytime na uwi ako ng pinas. pero ang perla, sabi ng nanay ko maganda raw yan pang alis ng flecken, eheste, paki translate na lang at naubusan ako bigla ng tagalog.
ate kengks! in-achtung achtung mo na ako hehehe.. flecken..ahh mantsa. unang naisip ko langaw hahahaha. aliw na aliw ako ngaun dun sa wp-forum. patulan nyo ung pi-nost kong topic ha?
langya, pinatulan ko na nga pati tatay ko nakwento ko na ano, hahaha
okay daw yang perla sa skin… kahit sa mga nurseries sa hospital yan ang ginagamit sa mga bata. o di ba? pati mga babies gumagamit nyan! hehehe!
ba..´galing! mula ngaun, mahal ko na ang perla