Pira-pirasong Diwa











{Mayo 12, 2008}   Inihaw na saging

Ito ang natutunan ko noong mga nagdaang taon.

Kapag Tag-araw na sa Alemanya, sikat na sikat ang Barbecue-han. May kakilala nga ako na tuwing mainit ang sikat ng araw maghapon eh nag-babarbecue. Kung isang linggong bibiyayaan ng Summer feeling dito, isang linggo din sya mag-babarbecue. Isang linggong puno ng limpak limpak na inihaw na laman, sawsawan at salad ang tiyan. Impatso.
Minsan, inimbita ako ng isang kakilalang Intsik. At mula sa kanyang kaibigang taga-Netherlands, natutunan namin ang simpleng paraan ng napakasarap na inihaw na saging. San nya natutunan? Sa anak nya na nag-boy scout!

Mga kailangan:
Saging – Lakatan, Berde o Imported
Nutella, Crumpy o ibang Tsokolate-jam
Aluminum foil
Ihawan
Paraan:
• Hiwain ang saging sa gitna.
• Palamanan ng Nutella.
• Ibalot sa Aluminum foil.
• Ihawin.
• Ihain.
• Wag kalimutan tanggalin ang alu foil bago kainin.
• Bigkasing sabay-sabay: “Ang yummy!!!”
• Magpalakpakan



kengkay ay nagsabing:

aha, eto ba ang bagong balay mo? alam mo nakipag EB ako kanina kay lilaybulilay kasi malapit lang pala siya dito e, ang sarap makipag chikahan, hehehe. sana sa sunod tayo naman, pakainin mo ako nitong inihaw na saging mo :D



eyna ay nagsabing:

ung araw-araw nag babarbecue pag araw araw na maaraw? hehehehe. teka te, ano ba ibig sabihin ng balay?

waaahhh…ako din! ba’t naman kasi ang layo natin. ayaw mo ba talaga tignan ung simbahan sa Aachen? tsaka amuyin ung amoy bulok na itlog na tubig dun? heheheh :p

PS. ubbbbbooood ng sarap ang ice cream dun. ahahahah.
PPS. sa susunod na summer gawan kita ng inihaw na saging. wala pa kaming bakuran ngaun eh. puro tambak na lupa pa lang, damo at tabla.



lilaybulilay ay nagsabing:

sa quezon iniihaw din ang saging,saging na saba nga lang alternative nila sa banana-q, basta saging lang walang ibang ka eksena fresh from the tree, ang sarap. Pero susubukan ko itong pang boyscout na chibug, salamat sa pag share at hayaan mo pag iipunan namin ni Kengkay ang fieldtrip papuntang Aachen hahhahaha sana magkatutotoo



eyna ay nagsabing:

dear lord, sana po matuloy ang fieldtrip ni lilay at ate kengkay papuntang aachen, tapos kakain kami ng maraming maraming ice cream, tapos aamuyin namin ung amoy bulok na itlog na tubig dun sa may Elisenbrunnen, tapos sisilipin namin ang simbahan mo at magtitirik dun ng kandila … promise. amen.

Lilay!!!

parang masarap nga ung inihaw na saba! kasi kahit nilagang saba nasasarapan ako basta matamis ung saging! tignan ko muna sa asia shop kung mahal benta nila ng saba. doble doble kasi presyo dun eh.



Mag-iwan ng Tugon

at iba pa